^

Probinsiya

Sundalo nangholdap ng tindahan

-

MANILA, Philippines - Isang sundalo na nang­holdap at nakatangay uma­no ng halagang P50,000 sa isang tindahan sa Ecoland, Davao City ang ipinagha­rap ng kasong robbery ka­sunod ng pagkakadakip sa kanya nitong Martes. 

Kinilala ng Police Regional Police Office-11 ang suspek na si Private First Class Gary Silverio na na­ka­talaga sa 25th Infantry Batallion ng 10th Infantry Di­vision ng Philippine Army.

Isinampa ng Taloma Police Station ang kaso dahil sa reklamo ng negos­yanteng si Analie Mahis­trado na may-ari ng Elaine and Alex Store sa Ecoland.

Sinasabi sa reklamo na hinoldap ni Silverio ang tindahan noong umaga ng Hunyo 8, Lunes at tinangay ang pera nito. Pinabula­anan ni Silverio ang bintang.

Samantala, isang head teacher sa Gonzaga Ele­men­tary School dito na si Harold Callangan ang ipi­nagharap ng kasong robbery dahil sa pagtangay uma­no sa midyear bonus ng mga guro na nagkaka­halaga ng mahigit P1 million.

Ayon kay City Police Director Senior Superintendent Reynaldo Sinaon, pi­na­sok umano ni Callangan ang disbursing section ng north district office ng Department of Education noong Mayo 22.

Tinutukan ni Callangan ng baril ang disbursing staff at tinangay ang salaping para sana sa midyear bonus ng mga guro sa natu­rang lugar. (Joy Cantos at Charlie Lagasca)

vuukle comment

ANALIE MAHIS

CALLANGAN

CHARLIE LAGASCA

CITY POLICE DIRECTOR SENIOR SUPERINTENDENT REYNALDO SINAON

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF EDUCATION

ECOLAND

ELAINE AND ALEX STORE

GONZAGA ELE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with