Mag-ina todas sa kuryente

LEGAZPI CITY, Philippines – Napaaga ang salubong ni kam­atayan la­ban sa mag-ina makaraang makuryente habang pauwi kama­kalawa ng umaga sa Zone 5, Brgy. San Antonio, sa bayan ng Na­bua, Camarines Sur.

Naisu­god pa sa Mediatrix Hospital subalit namatay din sina Purification Villamero, 61; at Joy Villa­mero, 28.

Base sa police report, pauwi na ang matandang Villa­mero habang mala­kas ang buhos ng ulan mula sa pagbili ng almusal nang matapakan ang naputol na kawad ng kuryente sa poste. Gayon pa man sumaklolo si Joy sa kanyang inang nangi­ngisay subalit maging siya ay nadamay sa trahedya. (Ed Casulla)


Show comments