Most wanted sa Central Lu­zon tiklo

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang tinagu­riang most wanted sa Central Lu­zon na may patong na P300,000 sa ulo ang bu­mag­sak sa ka­may ng mga awto­ridad sa lalawi­gang ito mata­pos ang ma­higit sa li­mang taon na pag­tatago, ayon sa ulat ng pu­lisya ka­hapon.      

Kinilala ni Senior Superintendent Pedro Danguilan, Nueva Vizcaya provincial police director, ang suspek na si Gaudencio Miranda, alyas Ding at alyas Godeng na nagtatago sa bulubun­duking bahagi ng Diadi sa lalawigang ito.     

Si Gaudencio na kilala rin sa alyas na Danilo Mi­randa ay hindi na naka­palag sa mga awtoridad nang madat­nan nila ito noong April 27 sa isang farm na pag-aari uma­no ng isang police major kung saan siya nagtatra­baho bilang caretaker.    

Napag-alaman na si Gau­dencio ay may mga warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder sa sala nila Judge Crisanto Concep­cion ng San Jose Nueva Ecija-Branch 12 at Judge Danilo Manalastas ng Malo­los Bulacan-Branch 3.         

Suspek din si Gauden­cio sa pagpatay sa kan­yang asawa noong taong 2002 at isa pang kasong frustrated murder sa pag­kamatay naman ng isang negos­yante na si Christian Sa­gubang. (Victor Martin)

Show comments