Rapist ng lola, arestado

BULACAN, Philippines – Nagwa­kas na kahapon ang maha­bang pana­hong pagtatago sa batas ng isang lolo na sinasabing nang­halay ng kanyang among lola sa Brgy. Bulaong sa bayan ng San Miguel, Bulacan. Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Basilio Gabo Jr. ng Malolos City Re­gional Trial Court Branch 11, naaresto ang suspek na si Ro­dolfo Nazar, 67. Na­pag-ala­mang naibenta ang mga ina­ala­gaang baboy ni Nazar ng hindi niya nala­laman at hindi siya binigyan ng parte ng lola. Dahil sa matinding galit ni Na­zar sa kanyang amo ay pina­sok niya ang bahay kasama ang isa pang lalaki para pag­nakawan at ga­hasain ang ma­tanda bago tu­ma­­kas at mag­tago ng may la­bin­da­lawang taon. Na­aresto ang kasama ni Na­zar ngunit na­matay ito sa loob ng piitan sa hindi ma­lamang dahilan. -

Boy Cruz

Show comments