^

Probinsiya

Misis Dinukutan sa simbahan

-

MARILAO, Bulacan, Philippines — Maging ang banal na sim­bahan ay hindi na rin ligtas sa mga masasamang loob matapos na dukutan ng isang babae ang katabi niyang kapwa babae na na­nanalangin sa isang kilalang simbahan sa lugar na ito.

Halos hindi makapani­wala ang biktimang si Ma. Teresa De Guzman, 37, may-asawa, residente ng Barangay Bambang, Bo­caue, Bulacan sa ginawa sa kanya ng suspek na si Leo­nora Samson 38, may-asa­wa, walang trabaho, at re­sidente ng Harmony Hills, Barangay, Siyudad ng San Jose Del Monte.

Sinabi ni de Guzman na nagdadasal siya sa sim­bahan ng Divine Mercy Shrine sa Barangay Sta. Rosa I, sa Marilao kahapon ng umaga nang tinabihan siya ng suspek.

Nagulat na lamang si De Guzman na pilit siyang gini­gitgit ni Samson ga­yung da­dalawa lamang sila sa pang­maramihang upuan. Sa una ay hindi niya pinapansin ito ngunit na­gulat na lamang siya na unti-unting guma­gaan ang kanyang shoulder bag.

Nang busisiin niya ang kanyang bag ay nakita niya na nasa kamay na ng sus­pek ang kanyang pitaka at isang cell phone dito.

Nakasigaw at nakahingi ng tulong si de Guzman hang­ gang madakip ng pulis­ya ang suspek. (Dino Balabo)

vuukle comment

BARANGAY BAMBANG

BARANGAY STA

BULACAN

DE GUZMAN

DINO BALABO

DIVINE MERCY SHRINE

GUZMAN

HARMONY HILLS

ROSA I

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with