^

Probinsiya

AFP vs MILF: 31 todas

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa dala­wam­pu’t tatlo-katao kabilang na ang walong sundalo ng Phil Army ang iniulat na napa­tay sa madugong sagu­paan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front at tropa ng Phil. Army sa kagubatang sakop ng Barangay Bialong sa ba­yan ng Mamasapano, Ma­guindanao, ayon sa ulat kahapon.

Sa phone interview, sinabi ni 6th Infantry Division spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce, na sumik­lab ang bakbakan sa pa­gitan ng 601st Infantry Brigade (IB) at grupo ni MILF Commander Ameril Umbra Kato sa bisinidad ng Sitio Maningay, sa nabanggit na barangay.

Sa isinagawang clearing operations matapos ang walong oras na bak­bakan ay narekober sa lugar ang mga katawan ng MILF renegades na nagka­lasug-lasog.

“Karamihan dun sa mga namatay na tauhan ni Com­mander Kato, tina­maan ng artillery fire kaya nagkagutay-gutay ang ka­tawan,” ani Ponce.

Aabot naman sa 300 residente ang nagsilikas sa takot na maipit sa bak­bakan.

Walo namang kawal ang nalagas sa tropa ng militar na tumanggi mu­nang tu­kuyin ni Ponce ang mga pangalan habang lima ang naitalang sugatan sa mga sundalo.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations laban sa grupo ni Commander Kato na target lipulin. Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY BIALONG

COMMANDER AMERIL UMBRA KATO

COMMANDER KATO

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

JONATHAN PONCE

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PHIL ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with