^

Probinsiya

2 driver nagduwelo, 1 todas

-

SAN ILDEFONSO, Bu­lacan, Philippines – Hindi na naka­yanan ng isang tricycle driver ang labis na panlalait at laging pagtututok sa kanya ng baril ng isa niyang kapwa drayber kaya hinamon na niya ito ng duwelo upang magkaala­man na kung sino ang ma­galing sa kanila pero nag­resulta ito sa pagkamatay ng isa sa kanila habang agaw buhay naman sa pagamutan ang panga­lawa.

Namatay sa pinang­yarihan ng krimen bunsod ng­ dalawang tama ng bala si Rolando Cañosa, 44, residente ng Barangay Pinaod. Sugatan naman at nakikipaglaban sa kamata­yan si Wilfredo Caraig, 40, residente ng Barangay Sumandig sa bayang ding ito.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na napundi na si Ca­raig sa madalas na pan­lalait at panunutok ni Ca­nosa ng baril sa kanya tu­wing magkikita sila sa tricycle terminal sa bayang ito kaya, kahapon, kumuha ng sarili niyang baril ang una at pinaputukan ang huli. Nagawa pa ni Canosa na makaganti ng putok bago nalagutan ng hininga kaya nasugatan din si Caraig. (Boy Cruz) 

vuukle comment

BARANGAY PINAOD

BARANGAY SUMANDIG

BOY CRUZ

CANOSA

CARAIG

LUMILITAW

NAGAWA

NAMATAY

ROLANDO CA

SHY

WILFREDO CARAIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with