^

Probinsiya

La Salle professor pinatay sa sakal

-

RIZAL, Philippines – Isang professor ng La Salle University-Antipolo ang pinatay sa sakal ng dalawang ‘di-pa kila­lang kalalakihan ma­karaang matagpuan ang bangkay nito sa madamong bahagi ng Brg.y Silangan sa ba­yan ng San Mateo, Ri­zal kahapon ng uma­ga.

Ayon kay P/Supt. Ronaldo Mendoza, chief of police, naka­suot lamang ng brief at sirang polo shirts nang matagpuan ang bang­kay ni Vincent Jan Ru­bio, 28, professor ng La Salle University at naninirahan sa #41 Marietta Street, Ro­meo Village, Pasig City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ganap na alas-6:30 ng umaga nang nadiskubre ng mga barangay tanod ang katawan ni Rubio sa madamong bisini­dad ng Paz Street, kanto ng Simon St., Phase-4, Montery Hills sa nabanggit na ba­rangay.

Napag-alaman sa dalawang barangay ta­nod na sina Andres San­ tileces 41, at Gary Dave, 28, isang kot­seng Mitsu­bishi Lancer (WEG-346) na sakay ng dalawang kalalaki­han ang nakita nilang na­kahinto dakong alas-10 ng gabi.

Sinita ng mga brgy. tanod ang dalawa kung saan sinabihan silang naubusan lamang sila ng gasolina kung kaya napahinto, bago nag­paalam na bibili la­mang ng gasolina at iniwan ang kotse.

Subalit makalipas ang ilang oras ay hindi na bumalik ang dala­wang lalaki hanggang sa matagpuan ang bang­kay ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, basag ang ka­liwang bahagi ng sa­lamin ng kotse at nag­kalat din ang wallet na walang lamang pera at iba pang dokumento sa loob nito. Ricky Tulipat

ANDRES SAN

GARY DAVE

LA SALLE UNIVERSITY

LA SALLE UNIVERSITY-ANTIPOLO

MARIETTA STREET

MONTERY HILLS

PASIG CITY

PAZ STREET

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with