^

Probinsiya

Brodkaster inambus

-

MANILA, Philippines - Kritikal ang kalagayan ngayon ng brodkaster ng DXCC Radio Mindanao Network na si Nilo Labares nang pagbabarilin ng ‘di nakikila­lang mga armadong suspek dakong alas-8:00 kamaka­lawa ng gabi habang sakay ng motorsiklo sa Cagayan de Oro City, Misamis Occidental. Si Labares ay isinugod sa Maria Reyna Hospital dahil sa dalawang tama ng bala sa dibdib. Posibleng may kinala­man sa walang patid na pag­batikos ni Labares sa illegal gambling at video karera sa lungsod ang pamamaril. (Joy Cantos)

RMG director at tauhan sinibak

CAMP SIMEON OLA, LEGAZPI CITY, Philippines – Tinanggal na sa puwesto ang director ng Regional Mobile Group ng Philippine National Police dito at ang kanyang mga tauhan matapos na lumabas sa isang video ang hazing sa kanilang tanggapan.

Ipinalabas ni PNP Bicol Provincial Director Superintendent Paterno Bangui ang pagtanggal sa naturang group director na si Supt. Joel Regondola at sa mga tauhan nito.

Napagalaman na ang naturang video ay kuha noong nakaraang taon kung saan katatapos lamang ng scout training ng mga bagong pasok na pulis. (Ed Casulla)

Biyuda niratrat

MANILA, Philippines - Isang 42-anyos na biyu­dang si Marilou Cenidoza ang binaril at napatay ng tat­long lalaking pumasok sa kanyang bahay sa Monte­villa Subdivision, Barangay Bilibiran, Binangonan, Rizal kahapon ng madaling-araw. Nahihira­pan namang ma­tukoy ng aw­to­ridad ang pag­kakakilan­lan sa mga suspek dahil walang gustong tumes­tigo sa mga residente sa natu­rang lugar. (Ricky Tulipat)

Banko nilooban

KIDAPAWAN CITY, Philippines Natangay ng tatlong ‘di kilalang kalalakihan mula sa Asian Hills Bank ang mahigit P150,000 na kolek­siyon nito dakong alas 2-ng madaling-araw kahapon makaraang tibagin nila ang isang pader ng bangko at lumusot sa manhole ng comfort room nito. Posib­leng natiktikan ng mga suspek na walang guwar­diya sa nasabing bangko. (Malu Manar)

vuukle comment

ASIAN HILLS BANK

BARANGAY BILIBIRAN

BICOL PROVINCIAL DIRECTOR SUPERINTENDENT PATERNO BANGUI

ED CASULLA

JOEL REGONDOLA

JOY CANTOS

MALU MANAR

MARIA REYNA HOSPITAL

MARILOU CENIDOZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with