^

Probinsiya

Tindero ng karne itinumba

-

KIDAPAWAN CITY Isang tindero ng karne na si Raul Alvarez, 43-anyos, ang nasawi nang barilin ng isa sa tatlong ‘di kilalang mga armadong lalaki ha­bang pauwi siya sa kan­yang bahay sa may Sitio Pinantao, Barangay Suda­pin sa Kidapawan City ka­makalawa ng gabi.

Ginawa ang pamamaril sa harap ng kanyang asa­wa at anak.

Binaril ng maraming be­ses si Alvarez sa harap mismo ng kanyang misis at anak na sakay din ng Honda XLR motorcycle na minamaneho ng biktima nang mga sandaling iyon.

Ayon kay Supt. Chino Mamburam, hepe ng Kida­pawan City PNP, binabay­bay ng mag-anak ang daan nang biglang lumitaw sa isang madilim na bahagi ang isang Honda XRM motorcycle at barilin ng isa sa mga sakay nito si Alva­rez nang siyam na beses gamit ang caliber .9 mm pistol.

Pagkatapos bumagsak, mabilis na kinuha ng mga suspect mula sa nahinta­kutang misis ang dala-dala nitong itim na bag na nag­lalaman ng malaki-laking cash na kinita ng mag-asawa sa pagbebenta ng karne ng hayop sa Mega Market.

Pinaniniwalaang hold-up/robbery ang motibo sa pamamaril.(Malu Cadelina Manar)

vuukle comment

ALVA

ALVAREZ

BARANGAY SUDA

CHINO MAMBURAM

KIDAPAWAN CITY

MALU CADELINA MANAR

MEGA MARKET

RAUL ALVAREZ

SHY

SITIO PINANTAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with