13-centuries old narra, mahogany pinagpuputol

OLONGAPO CITY – Nalalagay sa balag ng ala­nganing makasuhan at ma­sibak sa pagka-principal ng Olongapo City National High School maka­raang ireklamo dahil sa pagpuputol ng 13-centuries old na punong­kahoy na walang kaukulang per­miso sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa campus ng nabanggit na esku­welahan.

Ayon kay Relly Javier, pangulo ng Steward and Vanguard of the Earth (SAVE) Movement, Olon­gapo City chapter, dapat managot ang principal na si Ellen Agabao sa mga pu­nongkahoy na narra at mahogany na pinagpu­pu­tul-putol nang walang pa­hin­tulot mula sa lokal na ahensya ng Department of Environment and Natural Resources.

 “Hindi ba’t itinuturo sa mga mag-aaral na igalang at protektahan ang kalika­san at kapaligiran? Guro pa naman siya at naturingang principal subalit siya pa ang nag­pa­pakita ng masamang ehem­plo sa kanilang mga estud­yante,” dagdag pa ni Javier.

Sinabi pa ni Javier na dapat kasuhan ng DENR ang mga taong responsable sa pambabastos ng kali­ kasan, at patawan ng administrative charge ng Department of Education si Agabao.

“Maituturing na buhay na bantayog ng paaralan ang mga pinutol na pu­nong­kahoy,” pahayag na­man ni Dr. Art Mendoza, director ng James L. Gordon Memorial Hospital at mi­yembro ng OCNHS Alumni Association.

“Malaking bahagi sila ng pang-araw araw na ka­ranasan namin noong hay­skul. Kapag mainit ang pa­nahon ay madalas pa nga kaming magklase sa lilim ng mga punong iyon. Sayang at hindi na sila aabutan ng mga susunod pang hene­rasyon ng mga mag-aaral ng OCNHS,” pagbabalik-tanaw ni Dr. Mendoza. Alex Galang

Show comments