^

Probinsiya

Pasaway na anak tinodas ng ama

-

ANTIPOLO CITY, Rizal – Napatay ang isang 18-anyos na anak makaraang saksakin ng sariling ama na nagdilim ang isip dahil sa pagsagot ng pabalang sa kanya kamakalawa ng hapon sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal.

Kinilala ni P/ Supt. Raul  Bargamento, hepe ng pu­lisya, ang biktimang si  Mike  Egay, samantalang na­aresto naman ang sus­pek na si Manuelito Egay, 40,kapwa residente  ng Si­tio  Maria  Corazon  3, sa na­­­banggit na barangay.

Ang biktima ay nagtamo ng saksak sa kanyang ti­yan at namatay habang gi­nagamot sa Amang  Rodri­guez  Medical Center.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa loob ng taha­nan ng mag-ama.

Nabatid na kinakausap ng suspek ang kanyang anak dahil sa kasalanan nito subalit sa halip na su­munod ay pabalang na su­magot.

Dahil sa hindi kayang su­wetuhin ang anak at lu­maban pa ng suntukan  ay kumuha ng patalim ang ma­tandang Egay at inun­dayan ng saksak sa tiyan ang tinedyer.

Kasong parricide ang isasampang kaso laban sa suspek na sinasabing na­bigla lang ito sa nagawang krimen dahil sa ginawang pagsagot ng pabalang ng kanyang anak. Edwin Balasa

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY STA

BARGAMENTO

EDWIN BALASA

EGAY

MANUELITO EGAY

MEDICAL CENTER

RIZAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with