^

Probinsiya

5 holdaper arestado

-

LEGAZPI CITY, Albay – Rehas na bakal ang binagsakan ng limang kalalakihan na isinasangkot sa magkasunod na hol­dapan kamakalawa ng umaga makaraang maaresto ng pulisya sa Maharlika Highway sa Barangay Abuyog sa bayan ng Gubat, Sorsogon. Kabilang sa mga suspek na isinailalim sa tactical interrogation ay sina Jose “Jobert” Doblon, Alexis Irencio, Dennis Cama­rillo, Romy Godilos, at si Ricky Abdun Jr. Lumitaw sa imbesti­gasyon ng pulisya, hinarang at hinoldap ng grupo ang delivery van (WSK-931) naglalaman ng produkto ng toothpaste. Tinangay ng mga suspek ang mga personal na gamit nina Rommel Diolata, Roel Doproha, at Christopher Losala. Kasunod nito, hinarang at hinoldap din ng mga suspek ang trak (RDG 153) na may lulang produktong pagkain pagsapit sa Barangay Payawin. Natangayan ng malaking halaga ang mga biktimang sina Henry Mirabito, Arnold Imperial at Edmundo Dy. Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, naaresto ka­hapon ang mga suspek sa bus terminal na sinasabing papatakas patungong Metro Manila.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong baril, mga bala at ilang personal na gamit ng kanilang biktima. Ed Casulla

vuukle comment

ALEXIS IRENCIO

ARNOLD IMPERIAL

BARANGAY ABUYOG

BARANGAY PAYAWIN

CHRISTOPHER LOSALA

DENNIS CAMA

ED CASULLA

EDMUNDO DY

HENRY MIRABITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with