^

Probinsiya

Kwitis: 1 patay, 4 sugatan

-

Nauwi sa trahedya ang pagpapaputok ng kwitis makaraang masawi ang isang tinedyer habang apat iba pa ang nasugatan ha­bang aabot naman sa 15 ka­bahayan ang naabo sa ba­ yan ng Tanza Espe­ranza, Ilo­ilo City kamaka­lawa ng gabi.

Nakilala ang nasawing biktima na si Richard Doc­do­ cil, 18, na nakulong ng apoy sa nasusunog nilang taha­nan.

Ang mga nasugatan na­man isinugod sa ospital ay nakilalang sina Danilo Dor­mido, 64, at Leonila Sele­brado.

Samantala, ang isang alyas Katoy ay nasugatan matapos madulas sa bu­bong ng kanilang kaba­hayan at si Rita Basagre na nabundol ng multicab dahil sa tensyon sa nagaganap na sunog.

Sa police report na na­karating sa Camp Crame, naganap sa insidente ban­dang alas-10 ng gabi.

Umaabot naman sa may 80 sibilyan ang pan­samantalang nanuluyan sa Rizal Elementary School matapos na masunugan.

Napag-alamang nag­mula ang apoy sa bahay ni Harley Pampag kung saan isang kuwitis na pinaputok ng kanilang kapitbahay ay pumasok kanyang bahay.

Tumagal naman ng da­lawang oras bago naapula ang apoy ng mga bumbero. (Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

DANILO DOR

HARLEY PAMPAG

JOY CANTOS

LEONILA SELE

RICHARD DOC

RITA BASAGRE

RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

SHY

TANZA ESPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with