^

Probinsiya

Trahedya sa kalsada: mag-syota dedo

-

ANTIPOLO CITY, Rizal – Magkasabay na kinarit ni kamatayan ang magkasintahan  makaraang  bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na kotse kama­kalawa ng hapon sa pakurbang kalsada sa Barangay Sta Cruz, Antipolo City, Rizal.

Idineklarang patay sa Antipolo Community Hospital ang mga biktimang sina Arvin Dominguez, 29, ng Bacood Sta. Mesa, May­nila at Anne Lieze Olagan, 22, ng Brgy. Fortune, Marikina City.

Samantala, nakakulong naman sa himpilan ng puilsya ang drayber ng kotse na si Prudencio Gumba Jr., 30, ng Nagpa­yong, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:15 ng hapon habang binabagtas ng dalawa sakay ng ka­nilang motorsiklo ang kahabaan ng zig-zag road.

Patungo naman ng bayan ng Antipolo ang kotseng Toyota Corolla Sedan (PXG 318) ni Gumba nang makasa­lubong ang motorsiklo ng mag-syota. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANNE LIEZE OLAGAN

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO COMMUNITY HOSPITAL

ARVIN DOMINGUEZ

BACOOD STA

BARANGAY PINAGBUHATAN

BARANGAY STA CRUZ

EDWIN BALASA

MARIKINA CITY

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with