^

Probinsiya

Mayor, 3 aide utas sa ambus

-

Nagwakas ang pagsi­silbi sa taumbayan ng isang al­kalde at tatlo nitong security escort makaraang tamba­ngan at mapatay ng mga ‘di-pa kilalang kalala­kihan sa kahabaan ng Tuguegarao-Piat Highway sa Barangay Maddarulug sa bayan ng Solana, Cagayan noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Moro Virgilio Lazo, Cagayan police director, ang mga biktimang sina Rizal Mayor Raul de la Cruz, 61; Ramon Gunta, Jomar Balomar at Fe­derico Canay.

Si Mayor de la Cruz ay na­­puruhan sa ulo at bina­wian ng buhay habang isi­nu­sugod sa Saint Paul Hos­pital sa Tuguegarao City, ha­bang sugatan na­man sina Aurelio Cauilan, Allan de la Cruz, Nilo Paay at si Vicente Baluran.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, na lulan ng isang minibus (RDH 969) na pag-aari ng lokal na pamaha­laan si Ma­yor de la Cruz kasama ang walong iba pa nang ha­ra­ngin at pag­babarilin sa kaha­baan ng nabanggit na highway da­kong alas-10 ng gabi.

Kaugnay nito, sinisilip naman ng mga awtoridad ang motibong pulitika, personal na hidwaan at ang mga rebeldeng New Peo­ple’s Army. (Joy Cantos)

vuukle comment

AURELIO CAUILAN

BARANGAY MADDARULUG

CAMP CRAME

CRUZ

JOMAR BALOMAR

JOY CANTOS

MORO VIRGILIO LAZO

NEW PEO

NILO PAAY

RAMON GUNTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with