^

Probinsiya

Shootout: 2 holdaper/ karnaper todas

-

RIZAL – Dalawang ka­la­lakihan na pinaniniwa­laang notoryus holdaper na iniulat na nasawi maka­raang makipagbarilan sa mga awtoridad sa naganap na magkahiwalay na shoot­out sa lalawigan ng Rizal ka­makalawa.

Ayon kay P/Chief Insp. Marlon Santos ng Rizal CIDG, naunang napatay si Christian Reyes ng Sitio Painuman, Brgy. Inarawan matapos makipagbarilan sa pulisya sa kahabaan ng Marcos Highway sa Sitio Padilla, Antipolo City.

Tugis naman ng mga awtoridad ang dalawang iba pang kasamahan ni Reyes na bumibiktima ng mga pasahero ng jeepney na may rutang Cogeo-Paenaan

Samantalang si Antonio Pablo, 37, ng Brgy. Gero­nimo, Rodriguez, Rizal, ay napatay ng pulisya sa ba­hagi ng Barangay Gitnang Bayan, San Mateo, Rizal. Napag-alamang si Pablo ay lulan ng motorsiklo (ZM-1121) nang tumangging huminto sa PNP checkpoint kaya hinabol ng pu­lisya.

Sumemplang ang mo­tor­siklo ni Pablo subalit nakuha pa nitong maki­pagbarilan sa pulisya hanggang sa mapatay.

Sa beripikasyon ng pu­lisya, lumilitaw na ang motorsiklong dala ni Pablo ay kinarnap at pag-aari ni Zherna Revidad. Edwin Balasa

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ANTONIO PABLO

BARANGAY GITNANG BAYAN

BRGY

CHIEF INSP

CHRISTIAN REYES

EDWIN BALASA

MARCOS HIGHWAY

MARLON SANTOS

RIZAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with