^

Probinsiya

Inaresto sa araw ng kasal

-

Naudlot ang pinakahi­hintay na pulot-gata ng isang most wan­ted  na kriminal maka­raang ares­tuhin ng pulisya sa mis­mong araw ng kaniyang kasal sa Dagupan City, Pa­nga­sinan, ayon sa ulat ka­hapon.

Sa inisyal na ulat ng Da­gupan City PNP na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si  George T. Ibas­co, alyas Kano ng Bgy. Luna, San Nicolas.

Si Ibasco ay nahaharap sa kasong  frustrated murder at at­tempted homicide.

Napag-alamang ha­bang ikinakasal si Ibasco ay nag-aabang naman sa labas ng simbahan ang mga pulis na  naatasang umaresto.

Gayon pa man, paglabas sa simbahan ni Ibasco ka­sama ang kanyang misis ma­tapos ang  sagradong sere­monya ng kasal ay agad  itong  pinosasan ng pulisya.

Inihayag naman ng mga aw­toridad na posible pa ring matuloy ang honeymoon ni Ibasco at ang kanyang misis kung makapaglalagak ito ng P.2 milyong piyansa para sa kasong frustrated murder at P12,000 naman sa kasong attempted homicide. Joy Cantos

BGY

CAMP CRAME

DAGUPAN CITY

GEORGE T

IBASCO

JOY CANTOS

SAN NICOLAS

SHY

SI IBASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with