^

Probinsiya

Ama, kuya dinedo ng bunso

-

LEGAZPI CITY, Albay – Pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu ang isang 25-anyos na lalaki kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang kanyang ama at kuya sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Pangpang sa bayan ng Labo, Camarines Norte kama­kalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mag-amang napatay na sina Generoso  Estacion,  65; at  Crisanto  Estacion, samantalang naaresto naman ang suspek na si Carlito Estacion. Base sa police report naitala ang krimen dakong alas-7 ng gabi matapos pagalitan ng mag-ama ang suspek dahil sa pagiging adik nito at pag­kagumon sa alak. Rehas na bakal naman ang bi­nag­sakan ng suspek. Ed Casulla at Francis Elevado

Lider ng militante itinumba

KIDAPAWAN CITY – Binaril at napatay ang isang opisyal ng militanteng grupo sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Gabuyan sa bayan ng Kapalong, Davao del Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Karapatan Davao Secretary General Kelly Delgado, ang pinakabagong biktima ng extra-judicial killing sa Mindanao na si Rolando Antolihao, 39. Naganap ang pagpatay kay Anto­lihao, apat na araw pagkatapos paslangin ang isang lider ng magsasaka sa Compostela Valley. Kinondena ng Karapatan ang naganap na krimen na, ayon kay Delgado, ay bahagi ng Oplan bantay laya, isang counter-revolutionary strategy ng gobyernong Arroyo na naglalayong patahimikin ang mga progresibong indibidwal tulad ni Anto­lihao. Malu Manar

P5M nalimas sa pawnshop

BATANGAS – Umaabot sa P5-milyong halaga ng naisanlang mga alahas ang nalimas makaraang looban ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan ang pawnshop sa Barangay District 2 sa bayan ng Lemery, Batangas noong Martes ng umaga. Ayon kay P/Chief Inspector Charlie Soriano, Lemery police chief, pinasok ng mga kalalakihang miyembro ng Vault Cutter Gang ang Maya Pawnshop sa pagitan ng alas-6 ng gabi at alas-6 ng umaga. Sa imbestigasyon, lumilitaw na winasak ang tagilirang pintuan ng gusali saka nilooban ang pawnshop na pag-aari ni Adelaida Brusoto. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives para matukoy pagkikilanlan ng mga kawatan. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ADELAIDA BRUSOTO

ANTO

ARNELL OZAETA

BARANGAY DISTRICT

BARANGAY GABUYAN

BARANGAY PANGPANG

CAMARINES NORTE

CARLITO ESTACION

CHIEF INSPECTOR CHARLIE SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with