Pastor binoga

LAOAG CITY – Isang pastor sa Bagui, Ilocos Norte ang kasalukuyang ginagamot sa isang hindi pinangalanang ospital matapos barilin kamakalawa.

Tumutugtog ng piano ang biktimang si Dodie Gaces ng Great Commission Ministry kasama ng kanyang anak na babae sa kanilang bahay sa Barangay Taguiporo sa Bangui nang biglang sumulpot ang salarin at pinaputukan sila ng baril nang malapitan.

Hindi natamaan ang anak ni Gaces pero nagtamo ng sugat sa tama ng bala ng .45 kalibreng baril sa kanyang dibdib ang pastor.

Sinisiyasat pa ng pulisya habang isinusulat ito kung sino ang suspek at ano ang motibo nito. (Artemio Dumlao)

Show comments