^

Probinsiya

Laguna shootout: 3 tumba

-

CAMP VICENTE LIM, La­guna – Tatlo-katao ang iniulat na napatay kabilang na ang isang barangay councilor at barangay ta­nod makaraang pagba­ba­rilin ng mga armadong ka­lalakihan sa harap ng ba­rangay hall sa Calamba City, Laguna noong Saba­do ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Christopher Tambungan, hepe ng pulisya sa Calamba City, ang mga napatay na sina Councilor Armando Ramos, 49, ng Barangay San Cristo­bal; hepe ng brgy. tanod na si Alfred Alinsunuren, 33 at si Levi Adolfo.

Ayon sa report, nagba­bantay si Alinsunuren sa San Cristobal Barangay Hall kasama si PO1 Alvin Ma­nguiat nang maganap ang shootout bandang alas-6:30 ng gabi.

Sa salaysay ni PO1 Ma­nguit, dumating si Adolfo sa barangay hall na hinaha­nap si Alinsunuren at nang ma­kita ay bigla itong pinag­ba­baril.

Napilitang gumanti ng putok ng baril si PO1 Ma­nguiat at napatay naman si Adolfo.

Nang marinig ang putu­kan, mabilis namang ru­mesponde si Ramos na sakay ng barangay patrol pero pinagbabaril din ito ng mga armadong kalalakihan na kasamahan ni Adolfo na nakapuwesto malapit sa barangay hall.

Samantala, tumakas na­man ang mga ‘di-pa ki­lalang kalalakihan na sa­kay ng Tamaraw FX mata­pos ang pamamaril.

Nakarekober ng pekeng ID ng pulis mula kay Adolfo at ilang basyo ng bala ng baril sa crime scene.

Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang motibo ng krimen. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

vuukle comment

ADOLFO

ALFRED ALINSUNUREN

ALINSUNUREN

ALVIN MA

ARNELL OZAETA

BARANGAY

BARANGAY SAN CRISTO

CALAMBA CITY

CHRISTOPHER TAMBUNGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with