^

Probinsiya

2 MILF nadale sa sariling bomba

- Joy Cantos -

Dalawang bomb expert ng Moro Islamic Liberation Front ang iniulat na malub­hang nasugatan na nada­may rin ang dalawang si­bilyan makaraang suma­bog ang bomba na kani­lang itatanim sana sa ba­yan ng Esperanza sa Sultan Kuda­rat noong Hu­webes ng gabi.

Sa report ni P/Chief Supt. Felizardo Serapio Jr., na­ganap ang insidente ban­dang alas-7:10 ng gabi sa kahabaan ng highway sa Barangay Saliao.

Napag-alamang isang uri ng improvised explosive device (IED) ang sumabog sa stall ng balut vendor na si Dina Aguacito  na nasu­ga­tan sa insidente gayun­din ang 7-anyos na batang am­pon nito  na si Clarine Ve­lasco.

Kinilala ng mga awtori­dad ang sinasabing may dala ng bomba na sina Mo­halidin Singo, 26; at Narrex Guaidel, 32; kapwa nanini­rahan sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Kasalukuyang binaban­ta­yan ng mga awtoridad ang pinagdalhan sa dalawa sa Galapate Clinic and Hospital.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon, ang dalawang bomb expert ay lulan ng kulay pulang motorsiklo ( LI 9876) at  bumibili ng balut kay Aguacito nang aksi­den­teng sumabog ng wala sa oras ang dalang bomba.

Narekober naman ng pulisya at ilang tauhan ng Army’s 6th Explosives and Ordnance Division mula sa pinangyarihan ng pagsa­bog ang 9-volt na battery na ginamit na power ng bomba at shell ng 81mm mortar.

Samantalang naglatag ng checkpoint sa nasabing lugar upang maiwasang maulit pa ang insidente. 

vuukle comment

BARANGAY SALIAO

CHIEF SUPT

CLARINE VE

DINA AGUACITO

EXPLOSIVES AND ORDNANCE DIVISION

FELIZARDO SERAPIO JR.

GALAPATE CLINIC AND HOSPITAL

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NARREX GUAIDEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with