Faith healer tinodas
Isang faith healer ang kinaladkad palabas ng isang kapilya bago pinagtataga hanggang mapatay ng dalawang lalake sa Dasol, Pangasinan kamaka lawa.
Agarang nasawi ang biktimang si George Sabado, residente ng Barangay Tanbobong, Dasol dahil sa mga tinamong sugat ng taga sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Pinaghahanap ng pulisya habang isinusulat ito ang tumakas na mga suspek na sina Juan Balecalon at Bernabela Arezo.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Pangasinan Police, abala si Sabado sa panggagamot sa isa niyang pasyente sa loob ng kapilya nang galit na sumugod ang nagwawalang sina Arezo at Balecalon.
Walang nagawa ang nasabing faith healer matapos na pagtulungan itong bitbitin palabas sa chapel ng dalawang suspect na ang isa ay armado ng matalim na itak.
Hindi pa nakuntento ay pinagtatadyakan, pinagsasampal bago pinagtataga ng mga suspek ang walang kalaban-labang biktima.
- Latest
- Trending















