^

Probinsiya

Anak nag-amok: Ina, tiyahin kinatay

- Danilo Garcia -

Pinaniniwalaang na­siraan ng bait ang isang binatilyong nag-amok kaya nagawang pagta­tagain hanggang sa mapatay ang sari­ling ina at tiyahin sa bayan ng Tapaz, Ca­piz, ka­ma­kalawa.

Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Adelina Mentino at Flo­renda Florentino na animo’y kinatay na baboy habang napatay naman ang nag-amok na si Arnel Florentino.

Sa police report na isinumite sa Camp Cra­­me, naganap ang krimen sa Ba­ran­gay Artuz kung saan na­pikon si Arnel sa pag­bibiro ng kan­yang pin­sang si Lito Mentino kaya hinabol nito ng taga. 

Nakatakbo naman sa kanilang bahay si Lito subalit sinundan pa rin ni Arnel kaya tinangkang awatin ni Adelina subalit siya ang pinagtataga.

Napag-alamang nakauwi naman sa ka­nilang bahay si Arnel at napagalitan naman ng kanyang inang si Flo­renda.

Dahil sa matinding depresyon ay nabur­yong si Arnel kaya pinagtataga rin ang sariling ina hanggang sa mapatay.

Hindi pa nakuntento sa ginawang krimen laban sa ina ay nag­tungo sa bahay ng pin­sang si Juvy Galagate na tinangka naman tagain ni Arnel.

Gayon pa man, li­ngid sa kaalaman ni Arnel, naihanda na ni Galagate ang baril na mabilis nitong pina­putok bago pa maka­lapit ang kanyang pinsan.

vuukle comment

ADELINA

ADELINA MENTINO

ARNEL

ARNEL FLORENTINO

ARTUZ

CAMP CRA

DAHIL

JUVY GALAGATE

LITO MENTINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with