^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

Inhinyero utas sa gas leak

LIMAY, Bataan – Napaaga ang salubong ni kama­tayan sa isang 24-anyos na inhinyero habang nasa kritikal na kalagayan ang kasama nito makaraang makalanghap ng nakalalasong kemikal sa loob ng pasilidad ng BRC Petron sa bayan ng Limay, Bataan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Engr. Anthony Jed Reyes ng Barangay Cataning, Balanga City, samantalang nasa Saint Joseph Hospital si Engr. Nicolo Balonzo, 24. Ayon sa ulat, ang dalawa ay natagpuang nakalugmok sa sour-water facilities department kung saan tumagas ang hydrogen sulfide. Kinumpirma naman ng adminis­tration manager na si Fernando Enriquez, na nakalanghap nga ng toxic substance ang dalawa. (Jonie Capalaran)

Serye ng patayan lumalala

ORMOC CITY, Leyte – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 34-anyos na obrero ng dalawang lalaki na nagpanggap na pulis sa Sitio Patong, Barangay San Pablo, Ormoc City, Leyte noong Linggo ng gabi. Kinilala ni P/Senior Insp. Federico Sanches, hepe ng PCP3 ang biktima na si Rolly Rosales y Vosotros, isang construction worker at hiwalay sa asawa. Ayon sa imbestigador na si PO3 Gervacio Monares, nagpapaha­ngin sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang lapitan at ratratin ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki. Base sa tala ng pulisya, ang naganap na pamamaslang kay Ro­sales ay kahalintulad din ng pamamaslang kina Joshua Dela Rosa at Jerome Panta, na pinagbabaril na­man sa bisinidad ng Isla Verde, District 26 noong Martes ng gabi. (Roberto Dejon)

vuukle comment

ANTHONY JED REYES

AYON

BALANGA CITY

MICROSOFT WORD

MSO

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with