^

Probinsiya

50 kasong kriminal vs Kato et al

- Nina Malu Manar at Joy Cantos -

KIDAPAWAN CITY – Nahaharap ngayon sa  50 kasong kriminal ang hard­core leader ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na si Ameril Umbra Kato at kaniyang mga tauhan kaugnay ng serye ng pag-atake sa sinakop na 15 barangay sa pitong bayan ng North Cotabato may dalawang linggo na ang nakalipas.

Ayon kay P/Supt. Mar­celo Pintac, hepe ng Regional Investigation and Detection Management (RIDM)-Region 12, inaasa­hang maisasampa pa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Central Minda­nao ang kaso laban kay Kato.

Sa 50 kasong kriminal,  22 dito ang arson, 3 murder at ang iba pa ay kasong robbery kung saan kara­mihan sa mga nagrekla­mong residente ay mula sa mga Brgy. Dualing, Dun­guan, Pangangan Uno at Ba­rangay San Mateo na pawang sa bayan ng Aleo­san.

Ayon naman kay P/Chief Supt. Felicisimo Khu, hepe ng Task Force Palma, kapag lumabas na ang warrant of arrest laban kay 105th Base Commander Umbra Kato at kanyang mga tauhan ay maituturing na mga ordinaryong krimi­nal ang nasabing grupo.

Bukod sa pagsasampa ng mga kaso, isinasailalim na rin sa masusing ebal­wasyon ni Kidapawan City Prosecutor Al Calica, ang kriminal aktibidades na kinasangkutan ng grupo ni Kato at ng kanyang mga tauhan kung maituturing din itong act of terrorism  sa ilalim ng batas.

 Matatandaan na pu­wer­sahang inokupa noong Hul­yo 31  ng grupo ni  Kato ang 15 barangay  sa mga bayan ng Aleosan, Mid­sayap, Pa­limbang, Pikit, Northern Ka­buntalan, Ala­mada at Pigka­wan kung saan nagpalabas ng ultimatum ang gobyerno noong Agosto 1 upang lisa­nin ng MILF rebs ang nasa­bing mga lugar. 

Matapos ang eksten­syon ng ultimatum hang­gang Agosto 3 ay naglun­sad ng surgical strike operations ang AFP laban sa grupo ni Kato na umatras sa lugar matapos ang 3-araw na opensiba ng militar.

AGOSTO AMERIL UMBRA KATO AYON BASE COMMANDER UMBRA KATO KATO SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with