^

Probinsiya

Gasolinahan hinoldap, 2 utas

-

CEBU – Dalawang gasoline boy ang iniulat na napaslang maka­raang holdapin ng mga ‘di-pa kilalang kalala­kihan ang gasolinahan sa Sitio Looc, Barangay Poblacion sa bayan ng Liloan, Cebu kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng hepe ng Liloan PNP na si P/Senor Insp. Ramon Ortiz, ang mga biktimang sina Junnie Arnicaso,16, ng Mandaue City at Erwin Pacatan, 19, ng Batuan, Bohol, kapwa stay-in worker sa RKS Flying V Gas Station na pag-aari ni Roland Sanoria ng Riverside, Mandaue City.

Naisugod naman sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang su­gatang sekyu na si John­rey Tison ng Sitio Sam­bag, Barangay San Vi­cente, Liloan na si­nak­sak sa tiyan at pi­nalo sa ulo ng mga hol­daper.

Tinatayang aabot sa P.2 milyon mula sa wi­nasak na metal vault ang natangay ng mga holda­per

Ayon kay SPO1 Dennis Malinao, hawak naman nila ang isa pang pumpboy na si Jose Kelly Quinson, na pina­niniwa­laang ka­sang­kot ng mga hol­daper dahil sa hindi magkakatug­mang sa­lay­say at natuk­lasang may bahid ng dugo ang damit nito.

Nagduda ang pulis­ya na posibleng inside job ang insidente at nagka-onsehan kaya’t nagka­gulo at nagpa­tayan dahil sarado na ang gaso­li­na­han. Edwin Ian Melecio

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SAN VI

DENNIS MALINAO

EDWIN IAN MELECIO

ERWIN PACATAN

FLYING V GAS STATION

LILOAN

MANDAUE CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with