^

Probinsiya

Kidnaper ng Aleman tiklo

-

KIDAPAWAN CITY – Kalaboso ang binagsakan ng isang wanted na kidnapper sa North Cotabato makaraang maaresto ng pulisya sa public plaza ng Fort Pikit sa bayan ng Pikit, noong Martes ng umaga.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Saludin Lampangan, 22, ng Barangay Gocotan, Pikit.

Ayon kay P/Senior Insp. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP, si Lampangan, ay sinasabing kanang ka­may ni Datucan Samad, lider ng grupong dumukot sa German national na si Thomas Wallraf, misis nito, at dalawa pang kasama sa Pikit noong May 31, 2007.

Napag-alamang isa si Lampangan sa siyam na kinasuhan ng kidnapping-with-ransom ng PNP noong June 2007 dahil sa pagdukot kay Wallraf at tatlong iba pa.

Noong Hunyo 24, 2008, nadakip ng mga awtori­dad ang lider ng grupo na si Samad sa bayan ng Ma­labang, Lanao del Sur, subalit makalipas ang isang linggo ay pinaka­walan din dahil sa kaku­langan ng sapat na ebi­densiya.

Ayon sa report ng intelligence unit ng PNP, ma­liban sa kidnapping, sang­kot din ang grupo ni Lam­pangan sa gunrunning sa central Mindanao.

Simula 2007, aabot na sa 80 malalakas na kalibre ng baril ang naibenta ng nasa­bing grupo, ayon sa report. Malu Cadelina Manar

vuukle comment

AYON

BARANGAY GOCOTAN

DATUCAN SAMAD

ELIAS DANDAN

FORT PIKIT

LAMPANGAN

MALU CADELINA MANAR

PIKIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with