^

Probinsiya

2 killer ng brodkaster tiklo

-

Nalambat ng pulisya ang dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay  sa radio broadcaster ng dzAT  sa isinagawang operasyon sa Barangay Sampaloc 2 sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi. Sumasailalim na sa tactical interrogation  ang mga suspek na sina Simeon Aguilla, 23; at Joselito Cabrera, 32 . Ayon kay P/Supt. Eduardo Somera, deputy chief for operation ng Quezon PNP, ang dalawa ay nakorner sa tahanan ni Chairman Aristeo Ilao ng nabanggit na barangay matapos na ituro ng testigo. Ang mga suspek ay isinasangkot sa pagpatay kay Bert Carandang Sison,  habang sugatan naman ang anak nitong reporter ng weekly tabloid na si Liwayway. Nasamsam ang dalawang baril sa mga suspek na pag-aari ni Ilao. Joy Cantos

P2M ari-arian naabo

CAMARINES NORTE – Tinatayang aabot sa P2 mil­yong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang bahay ng dating alkalde kahapon ng madaling-araw sa Purok Atis, Barangay Gubat sa bayan ng Daet, Ca­marines Norte. Sa ulat ni FO3 Noel Jamito, nagsimula ang sunog bandang alas 4:30 ng madaling-araw at wala naman iniulat na nasawi o nasugatan. Pinaniniwalaang nagsimula ang apoy sa sumiklab na electric mosquito killer  na naiwan sa loob ng bahay na pag-aari ng yumaong si ex-Mayor Cesar Aquilar ng bayan ng Mercedez. Francis Elevado

vuukle comment

BARANGAY GUBAT

BARANGAY SAMPALOC

BERT CARANDANG SISON

CHAIRMAN ARISTEO ILAO

EDUARDO SOMERA

FRANCIS ELEVADO

JOSELITO CABRERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with