^

2 nilapa ng asong ulol

- Ni Malu Manar () - February 28, 2008 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY –  Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi, habang tatlong iba pa ang nanga­nganib na mamatay maka­raang makagat ng asong ulol sa bisinidad ng Ba­rangay Lipaga sa bayan ng M’lang, North Cotabato, noong Lunes.

Unang binawian ng bu­hay sa M’lang Medical Specialist Hospital sa Pobla­cion si Joseph Jade La­banza, 6, noong Lunes.

Sumunod naman si Elvis Tolentino, 37, na namatay sa North Cotabato Provincial Hospital sa Amas, Kidapawan City.

Samantala, tatlo pang sibilyan na pansaman­talang hindi kinilala ang nanganganib ang buhay dahil sa matinding kaman­dag ng asong ulol, ayon sa report ng North Cotabato Provincal Veterinarian Office.

Ayon sa ulat, nagla­lakad  sa  highway  ang mga bik­tima noong unang linggo ng Enero 2008 nang biglang magwala ang isang aso at nagsi­mulang mangagat.

Unang nakagat ang ba­tang si Labanza at tinang­kang iligtas ni Tolentino ang bata pero maging siya ay nakagat din ng aso.

Pero ang mas nakaba­bahala, ayon kay Cota­ bato provincial veterina­rian Dr. Enrico Garzon, kinatay at pinulutan ng 17 katao sa Barangay Lipaga ang asong ulol na may rabies.

Agad nagpadala ng team ng mga doctor at midwives sa lugar noong Mar­tes si Garzon para mag-imbestiga at magsa­gawa ng agarang rabies vaccination.

BARANGAY LIPAGA DR. ENRICO GARZON ELVIS TOLENTINO JOSEPH JADE LA MEDICAL SPECIALIST HOSPITAL SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with