^

Probinsiya

Lady dentist ginilitan

-

BATANGAS – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang dalagang dentista makaraang gilitan ng hindi pa nakikilalang lalaki sa loob mismo ng kanyang klinika sa Lipa City, Batangas, may ilang araw na ang nakalipas, ayon sa ulat. Kinilala ni P/Supt. George Dadulo, hepe ng Lipa PNP, ang biktimang si Dr. Mary Joy Duroy, 29, ng Sitio Maligaya, Barangay Pinagtungulan, San Jose, Batangas. Ayon sa report, pasado alas-2 ng hapon ng makatanggap  ng tawag ang Lipa police station mula sa isang concerned citizen matapos mamataan ang isang lalaki na may mga bahid ng dugo sa damit at papalabas ng klinika ni Dr. Duroy sa CM Recto St. corner Capt. Simeon Luz Street, Barangay 6, Poblacion. Nang rumesponde ang pulisya, natagpuan ang duguang katawan ng biktima na laslas ang leeg at basag ang bungo. Robbery ang inisyal na sinisilip sa motibo ng pagpatay sa biktima nang hindi na matagpuan ang celfone nito sa kanyang klinika. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY PINAGTUNGULAN

BATANGAS

DR. DUROY

DR. MARY JOY DUROY

GEORGE DADULO

LIPA CITY

RECTO ST.

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with