Holdaper ng mga estudyante nalambat

Antipolo City – Na­laglag sa kamay ng batas ang isang lalaki na uma­noy responsable sa su­nud-sunod na holdapan na ang binibiktima ay mga high school student sa Barangay Bagong Nayon ng lungsod na ito kahapon ng umaga.

Kinilala  ang  suspek  na si  Robert   Rebamba,  32, na na­aresto matapos na holdapin ang kanyang pinakahuling biktima na si Joan Kristine Batacan 15, 3rd year high school student.

Dakong alas-9:30 ng umaga nang maholdap ang biktima sa kahabaan ng Road 21, Phase III, Cogeo Village, Brgy. Bagong Nayon.

Hindi na nagawang man­laban ng suspek nang ma­dakip kinalaunan ng  pulisya at narekober sa pag-iingat nito ang cell­phone at pitaka ng biktima. (Edwin Balasa)

Show comments