^

Probinsiya

Sementeryo lubog sa baha

-

CAMP CRAME – Dahil sa ilang araw na buhos ng ulan ay lumubog sa tubig-baha ang mga sementeryo na naka­apekto sa paggunita ng Undas sa Iloilo City kahapon ng umaga. Bandang alas-2 ng madaling-araw kahapon nang mag­simulang bumaha dulot ng mga baradong drainage system kung saan malaking bahagi ng lungsod kabilang ang mga semen­teryo ang naapektuhan. Napag-alamang uma­paw ang tubig sa Jaro River na nakaapekto sa mga Barangay Simon Ledesma, Tacas, Tabuc Suba, Democracia, Ungka, Sambag, Jaro na pawang nasa Iloilo City. Umabot sa hang­gang tuhod ang tubig-baha sa mga apektadong barangay kung saan pansamantalang inilikas sa mga evacuation cen­ters ang mga residente. Kaugnay nito, kaagad na kumilos ang local na ahensya ng Crisis Management Unit para tumu­long sa mga apektadong pamilya sa posible pang pagtaas ng tubig parti­kular na sa distrito ng Barangay Jaro. (Joy Cantos)

Tanker hulog sa bangin

CAMP VICENTE LIM, Laguna  – Isang drayber ng fuel tanker na nasakote ng mga awtoridad dahil sa pagnanakaw ng krudo ang iniulat na namatay samantalang dalawa pa ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang sinasak­yang truck sa Laguna sa bayan ng San Jose, Batangas kama­kalawa ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. David Quimio, Batangas police director, ang drayber na si Benerando David, 37, ng Kumintang Ibaba, Batangas City at kawani ng FMC trucking na  pag-aari ni Francisco Castillo. Dinala naman sa San Jose District Hospital sina PO1 Edwin Castor, miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 4A at isang civilian agent na nakilalang si Rommel Piamonte. Napag-alamang naaresto ng CIDG ang drayber at mga pahinante ng truck matapos maaktuhang nag-papaihi (pilferage) ng kanilang 10-wheeler truck (DWH-141) sa may Mabini, Batangas. Nang pabalik na ang grupo ng CIDG sa Camp Vicente Lim, sa bayan ng Canlubang, Laguna, aksi­denteng nahulog sa bangin ang truck pagsapit sa hangganan ng Barangay Banay-banay at Barangay Taysan, paglampas ng Malaking Ilog Bridge. (Arnell Ozaeta)

‘Nalong kagawad kinatay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Isang nanalong barangay kagawad ang dinukot bago pinaslang ng mga ’di-kilalang kalalakihan sa Barangay New Moriones, Ocampo Camarines Sur noong Lunes ng gabi (Oktubre 29). Ang bangkay ng biktima na natagpuang tadtad ng sugat ng itak  sa buong katawan ay nakilalang si Ramon Comprador 57, ng nabanggit na barangay. Ayon sa ulat, dinukot ang biktima matapos na iproklama ito ng Comelec na panalo sa katatapos pa lamang na barangay at  Sangguniang Kabataan elections. Sa follow-up operation ng pulisya, nasakote naman ang mga suspek na si Herberto Filipino, Roberto Filipino at Gervacio Racasag Jr. Mariin naman itinanggi ng mga suspek ang aku­sasyon laban sa kanila. (Ed Casulla)

BATANGAS

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with