^

Probinsiya

2 escort ng balota  niratrat

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City - Dalawang pulis ng 507th Police Provincial Mobile Group na nag-escort sa balota ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army ha­bang escort noong Lunes sa Barangay Liong, Ca­taingan, Masbate. Nakilala ang dalawang biktima na kaagad na isinugod sa Cataingan District Hospital ay sina PO3 Mario Abonita at PO1 Edmar Galvez Ngoho. Ayon kay P/Senior Supt. Baligi Agnanayon Tira, nag-escort ng mga balota ang mga tauhan nilang pulis-Cataingan at 507th PPMG kabilang na sina Abonita at Galvez patungo sa Barangay Poblacion nang ambusin ng mga rebelde Nakipagbarilan naman ang mga awtoridad hanggang sa umatras ang mga rebelde habang sugatan naman ang dalawa. Ed Casulla

Lolo dinedo ng holdaper

ANGONO, Rizal  – Sinaksak at napatay ang isang 67-anyos na lolo na tumangging ibigay ang kanyang celfone sa holdaper sa Barangay Isidro, Angono Rizal kamakalawa ng gabi. Namatay sa Angono District Hospital ang biktimang si Conrado Corongan na nagtamo ng malalim na saksak sa dibdib. Napag-alamang papauwi na ang biktima mula sa bilangan ng boto sa nasabing barangay nang lapitan at holdapin ng isang ‘di-kilalang lalaki. Nakipagbuno naman ang biktima dahil sa kanyang celfone subalit nanaig ang kalakasan ng holdaper at naisagawa ang pamamaslang. Edwin Balasa

vuukle comment

ANGONO DISTRICT HOSPITAL

ANGONO RIZAL

BALIGI AGNANAYON TIRA

BARANGAY ISIDRO

BARANGAY LIONG

BARANGAY POBLACION

CATAINGAN DISTRICT HOSPITAL

CONRADO CORONGAN

ED CASULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with