^

Probinsiya

Gunman ng Abra solon, patay na

-

BANGUED, Abra —  Pinaniniwalaang patay na napaulat ang bumaril at naka­patay kay  Rep. Luis “Chito” Bersamin noong December 16, 2006 may ilang araw matapos isinugod sa ospital ang una sa Maynila, ayon sa ulat kahapon.

Si Salvador Barbosa, na gumamit din ng pangalang Dominador Barbosa, na itinuturo ng mga pulis na res­ponsable sa pagpatay kay Bersamin at sa kanyang bodyguard na pulis,  ay na­matay na sa matinding sakit na amoebiasis at leptospirosis matapos siyang isugod sa San Lazaro Hospital sa Manila.

Ayon sa sources, si Bar­bosa ay gumamit ng panga­lang Philip Bello Rivero no­ong isinugod siya sa na­banggit na ospital.

Sa text message, sinabi ni P/Chief Supt. Eugene Martin, police provincial director ng Cordillera Administrative Region, na naka­tanggap nga raw sila ng ulat na patay na si Barbosa subalit hindi pa nila makum­pirma kung totoo ang ulat.

 “Nalibing na nga raw siya, pero hindi pa namin ma­kumpirmang officially,” dagdag pa ni Martin.

Si Cong. Bersamin at ang kanyang bodyguard ay binaril at napatay habang papalabas ng Mt. Carmel Church sa Quezon City noong December 16, 2006. Myds Supnad 

vuukle comment

BERSAMIN

CHIEF SUPT

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

DOMINADOR BARBOSA

EUGENE MARTIN

MYDS SUPNAD

PHILIP BELLO RIVERO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with