^

Probinsiya

Checkpoint vs red tide itinayo

-

Nagtayo ng checkpoint laban sa red tide sa mga lugar na ma­lapit sa Sorsogon Bay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources dahil sa mga napapaulat hinggil sa mga nabibiktima ng pagkalason sa ta­hong, talaba at iba pang shellfish na kon­taminado ng red tide organism.

Sinasabi sa ulat kahapon ng radio station dzRH na layunin ng checkpoint na pi­gilin ang mga resi­dente ng Sorsogon na manguha ng isda at shellfish sa bay na noon pang nakaraang taon kontaminado ng red tide.

Ipinatayo ang mga checkpoint kasunod ng pagkamatay ng isang apat na taong gulang na batang si Vicente Cerillo Jr.  at pagkaka­ ospital ng 14 na miyem­bro ng isang pamilya sa Sorsogon City ma­ka­raang ma­ka­tikim ng shellfish na nakuha sa Sorsogon Bay.

Noong Biyernes, limang miyembro ng isa pang pamilya sa Sorsogon City ang nalason sa sinigang na sapsap na hango mula sa bay. Sinabi pa ng BFAR na posibleng ilang tiwaling manga­nga­lakal ang sumubok na ibenta sa Metro Manila ang mga shellfish na na­kukuha nila sa Sor­sogon Bay.

vuukle comment

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

IPINATAYO

NOONG BIYERNES

PLACE

SHY

SORSOGON

SORSOGON BAY

VICENTE CERILLO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with