^

5 testigo vs ‘killer mayor’ lumutang sa NBI

- Nina Grace Amargo-Dela Cruz At Rose Tamayo () - August 15, 2007 - 12:00am

Lumutang kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang limang bagong testigo sa kumukumpirma sa mga naunang pahayag ng self-confessed killer na si Elmo Numancia na sang­kot ang dating alkalde ng Agusan del Sur at asawa nito sa serye ng pagpatay at pagdukot na may kaugnayan sa pulitika.

Humarap si Numan­cia sa NBI-Anti Organized Crime Division kasama ang limang tes­tigo na hindi muna pina­ngalanan na nagpapa­tunay na may katotoha­nan ang ibinunyag ni Numancia laban kina dating Trento, Agusan del Sur Mayor Escolastico Hitgano Sr. at asawa nitong si incumbent Mayor Irenia Hitgano.

Bukod dito, tatlong complainant na rin ang nagbigay ng kanilang testimonya sa NBI laban sa mag-asawang Hitgano kabilang si Helen Apura, 41, asawa ng na­paslang na si Alex Apura na pinagbabaril habang nakikipag­pulong sa bahay ng kanilang Brgy. Chairman na si Elmer Ampolitod noong Mayo 3, 1998.

Sinabi rin ng isa pang complainant na si Candelaria Saranza, 55, ng Purok Poblacion, na isinu­nod namang patayin ang kanyang asawang si Antonio Saranza Sr. na nagsilbing campaign manager ng dating mayoralty bet na si Francisco Ong noong Mayo 22,1998.

Una nang nagbigay ng salay­say si Numancia sa NBI na inutu­san siya ni ex-Mayor Hitgano na patayin ang mga biktimang sina Islaw Llames at Jun “Puga” Fuen­tes kapalit ng P5,000 hanggang P10,000.

Binigyan din siya ng listahan na kanyang itutumba kasama ang pinakahuling pinatay na si Tony Saranza.

Gayunman, nilinaw ni Numan­cia na hindi siya ang pumatay kay Saranza nitong Mayo 2007 maka­raang tumanggi itong isagawa ang planong pagpatay.

Habang sinusulat ang ulat na ito, hindi pa nagbibigay ng pa­hayag ang kampo ng mag-asa­wang Higano.

Nakatakdang iharap ng NBI sa mga mamamahayag ngayong araw ang naturang self-confessed killer.

AGUSAN ALEX APURA ANTI ORGANIZED CRIME DIVISION ANTONIO SARANZA SR. CANDELARIA SARANZA ELMER AMPOLITOD SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with