^

Probinsiya

7 GROs dakma sa bold show

-

KIDAPAWAN CITY – Pitong kababaihan na tumatayong mga guest relations officer (GRO) ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya makaraang maaktuhang nagsasayaw ng hubo’t hubad sa isang pub house sa  bahagi ng Barangay Poblacion sa Kidapawan City kahapon ng madaling-araw. Pansa­mantalang nakapiit ang pitong GRO na walang maipakitang working permits at pink cards at pawang taga-Cagayan De Oro City, General Santos City at Davao City. Napag-alamang isinagawa ang operation laban sa Eat Me Pub House matapos na magpanggap na mga customer ang anim na pulis na pinangunahan ni P/Senior Insp. Sofronio Cornelio ng Anti-Vice and Intelligence Division ng North Cotabato PNP. Pinag­hahanap naman ng pulisya ang may-ari ng pub house na si Romulo Sollano na pinaniniwalaang nasa Digos City, nang maganap ang raid. (Malu Cadelina Manar)

Onsehan sa droga, tulak itinumba

CAMP AGUINALDO  — Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang motibo kaya pinaslang ang isang 37-anyos na lalaki sa kanyang bakuran sa Lazala Street, Zone 1, Bangued, Abra kamakalawa ng umaga. Si Edcel Borjal na kilalang big time drug pusher na nasa drug watchlist ng pulisya at nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa pagtutulak ng droga ay pinagbabaril ng ’di-kilalang lalaki habang nagpapatuka ng pagkain ng kanyang mga alagang manok sa bakuran ng sariling bahay. Ayon kay P/Senior Supt. Alexander Pumecha, Abra police director, na posibleng kilala ng biktima ang killer dahil namataang bago maganap ang krimen ay nag-usap pa ang dalawa. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABRA

ALEXANDER PUMECHA

ANTI-VICE AND INTELLIGENCE DIVISION

BARANGAY POBLACION

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with