^

Probinsiya

Judge grabe sa ambush

- Joy Cantos -

CAMP CRAME — Pina­niniwalaang personal vendetta ang isa sa motibo kaya tinambangan at malubhang nasugatan ang isang judge ng dalawang armadong lalaking sakay ng motorsiklo sa Barangay Villareal sa Bayawan City, Negros Oriental kamaka­lawa ng gabi.

Kasalukuyang nasa Sili­man University Medical Center sa Dumaguete City ang biktimang si Judge Orlando Velasco ng Bayawan City Regional Trial Court mata­pos magtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ang katawan.

Sa ulat ng police regional office, papasok pa lamang ng kanyang bahay si Judge Velasco dakong alas-7:40 ng gabi nang lapitan at pagba­barilin ng dalawang kalala­kihan.

Dahil sa alingawngaw ng mga putok ng baril ay na­ ging mabilis ang pagres­ponde ng mga pulis-Baya­wan City na isinugod sa ospital ang bik­tima habang ang iba pang pulisya ay hina­bol ang tuma­takas na dalawang suspect na agad namang nasakote.

Sumasailalim na matin­ding tactical interrogation ang dalawang suspek na pansa­mantalang hindi ibini­gay ng pulisya ang pagkiki­lanlan.

Bunga ng pagtatangka sa buhay ni Judge Velasco ay nag­talaga naman ang Du­ma­­guete City police ng security escort sa ospital.

Sa kasalukuyan ay pag­hihiganti ang anggulong sini­silip ng mga awtoridad sa tangkang pagliligpit kay Judge Velasco matapos ma­pag-alamang may hina­tulan ito ng habambuhay na pag­kabilanggo sa kasong drug pushing.

vuukle comment

BARANGAY VILLAREAL

BAYAWAN CITY

BAYAWAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

DUMAGUETE CITY

JUDGE ORLANDO VELASCO

JUDGE VELASCO

NEGROS ORIENTAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with