^

Probinsiya

Anak pinatay ng ama

-

CAMP AGUINALDO — Dahil sa pagtatanggol sa bunsong anak ay nagawang barilin at mapatay ng isang 77-anyos na ama ang sariling anak na pinaniniwalaang adik sa droga sa Cagayan de Oro City kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sionil  Gentiles,  43, ng Barangay Camaman-an, samantalang nakilala naman ang suspek na si Urcesio Gentiles, biyudo, ng yumaong si Judge Faustine Gentiles. Batay sa ulat, naganap ang insidente pasado alas-2 ng madaling-araw noong Biyernes sa loob ng tahanan ng mag-anak matapos na magtalo ang biktima at ang kanyang kuya  dahilan lamang sa motorsiklo. Hinihiram ng biktima ang motorsiklo sa kanyang nakata­tandang  kapatid  subali’t nagtalo ang mga ito na nauwi sa pam­bu­bugbog ng una  sa kanyang kuya  na tinangka pa nitong saksakin. Na­sak­sihan naman ng suspek na ama ang insidente kaya tuluyang nagdilim ang isip sa masamang binabalak ng suwail nitong anak na agad nitong pinaputukan sa likod. Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima  subali’t namatay habang ginagamot. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY CAMAMAN

BATAY

JOY CANTOS

JUDGE FAUSTINE GENTILES

ORO CITY

URCESIO GENTILES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with