^

Probinsiya

Shabu lab uli ni-raid sa Laguna

-

SAN PEDRO, Laguna  — Muling sinalakay ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Laguna police ang isang shabu laboratory sa bayan naman ng San Pedro, Laguna kahapon ma­­karaang inguso ng Taiwanese na na­unang na­aresto sa isang apartment sa Biñan noong Biyernes na nagla­laman ng P5-bilyong sang­kap ng shabu.

Sa search warrant na ipi­nalabas ng korte, sina­lakay ng mga tauhan ng PDEA at Laguna police, ang inu­upahang bodega ni Tony Tan Go na nagsisilbing laboratory sa may Amante Subdivision, Purok 5, Barangay Nueva bandang alas-5 ng hapon at tumambad ang bultu-bultong sangkap ng shabu.

Ayon kay P/Chief Supt. Nicasio Radovan Jr. Region 4 police director, ikinanta ni Go ang naturang lugar ma­tapos dumaan sa isang tactical interrogation na nag­bunsod para kumuha ng search warrant ang mga awtoridad sa korte.

Matatandaang naaresto ng mga awtoridad ang Taiwanese na si Go na pina­niniwalaang nag­­mamay-ari ng bultu-bul­tong sangkap ng shabu na aabot sa P5-bilyon matapos bu­malik ito sa kanyang inu­upa­hang Unit 15 ng Honor’s Apartment sa Manabat Street, Barangay San Antonio noong Linggo ng umaga.

Ayon kay Supt. Raul Bar­gamento, Region 4 PDEA chief, sinampahan na nila ng kaso si Tony Tan Go, ang may-ari ng apartment na si P/Chief Supt. Antonio Atienza sa Department of Justice.

Mariin namang itinanggi ni Atienza na may kinalaman siya sa mga aktibidades ni Go. “Technically, hindi na sa amin yang property, na possessed na nga ng Bank of Philippine Island, ang apartment na yan,” paliwanag ni Atienza

 “I’m really disappointed with this development, but I’m also challenging them to file a case against BPI,”  dagdag pa ni Atienza.

vuukle comment

AMANTE SUBDIVISION

ANTONIO ATIENZA

ATIENZA

AYON

BANK OF PHILIPPINE ISLAND

CHIEF SUPT

SHY

TONY TAN GO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with