^

Probinsiya

Krusiyal na ang mga nalalabing laban

-

CAMP CRAME — Dahil sa katabilan ng dila ng isang misis na inakusahang tsismosa ay brutal na pinagta­taga ng kanyang kapit­bahay ang biktima sa Barangay Minoyan sa bayan ng Murcia, Ba­colod kamakalawa.

Halos humiwalay ang ulo at kamay sa ka­tawan nang matag­puan ang bangkay ng biktimang si Alicia Gi­ganto, 48, tindera ng rosas at residente ng Barangay Molina.

Natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-11 ng umaga sa taniman ng rosas sa Purok Kadu­gasan ng nabanggit na barangay.

Base sa salaysay ng isang saksi, na na­mi­mitas ng rosas ang biktima nang lapit­an at pagtatagain ng suspek.

Hindi naman pina­nga­lanan ng pulisya ang suspek  para hindi madiskaril ang isinasa­gawang manhunt ope­ration.

Ayon sa asawa ng biktima na si Herman, bago naganap ang insidente ay kinausap pa siya ng suspek at sinabing pagsabihan nito ang kanyang mi­ sis na tigilan na ang pag­pa­pakalat ng ma­ ling tsismis laban sa kanya.

May teorya ang pu­lisya na tumindi ang galit ng suspek laban sa biktima matapos na kumalat ang malisyo­song tsismis.

vuukle comment

ALICIA GI

AYON

BARANGAY MINOYAN

BARANGAY MOLINA

PUROK KADU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with