^

Probinsiya

6 supporter ng mayor dedo sa ambus

- Edwin Balasa, Artemio Dumlao -
CAMP CRAME — Anim- katao na pinaniniwalaang masugid na supporter ng alkalde na kandidato sa House race ang iniulat na napaslang habang 3 pa ang nasugatan makaraang tambangan ng mga ’di-kilalang armadong kalalakihan ang convoy ni Lagayan Abra Mayor Cecille Seares-Luna sa hangganan ng Brgy. Pang-ot at Bai sa bayan ng Lagayan, Abra kahapon ng hapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Barangay Chairman ng Bai na si Romero Guyang, ABC president; Eduardo Guyang, Feliman Caleflores, Jeson Battalao, Bali Rubeo at si Darwin Sitnaen.

Samantala, sugatan naman sina Lorenzo Guyang, Armenio Ayab at Roderick Guyang.

Napag-alamang sakay ng kulay silver na Mitsubishi Pajero (XJT 650), ang mga biktima at papatawid sa tulay ng Lagayan River nang harangin at ratratin ng mga armadong kalalakihan.

Nakaligtas naman si Mayor Luna matapos na hindi ito sumakay sa nasabing sasakyan na siya talagang target sa pananambang. Sa panayam naman kay Mayor Luna, sinabi nitong si Abra Governor Valera lamang ang siyang puwedeng gumawa ng nasabing karahasan dahil wala siyang ibang alam na kaaway at matagal na rin balak siya nitong ipapatay.

Si Luna ay isa sa anim na congressional bet na maglalaban-laban sa Abra sa nalalapit na midtern May 14 elections sa ilalim ng Liberal Party at isa sa mga matindi nitong makakalaban ay si Abra Governor Vicente Valera.

Nabatid na may na-monitor ang kampo ni Mayor Luna na may dalawa-katao na may kahina-hinalang kilos ang sumusubaybay sa nasabing alkalde kaya nag-request siya ng security escort sa Comelec, subalit hanggang ngayon ay walang maibigay na bodyguard na pulis.

vuukle comment

ABRA

ABRA GOVERNOR VALERA

ABRA GOVERNOR VICENTE VALERA

ARMENIO AYAB

BALI RUBEO

BARANGAY CHAIRMAN

MAYOR LUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with