Bagong tourist spot sa Laguna
March 4, 2007 | 12:00am
LAGUNA  Inilunsad ng pamahalaang lokal ng Cavinti, Laguna noong Sabado, ang proyektong economic park na siyang mag-aangat sa turismo at kabuhayan ng mamamayan sa nabanggit na bayan.
Kumpiyansa sina Cavinti, Laguna Mayor Floro Esguerra at ang buong Sangguniang Bayan, na hindi magiging balakid ang banta ng mga rebeldeng NPA kung saan mariin nitong pinabulaanan, na maraming maka-Kakaliwang grupo sa kanilang bayan.
Ang naturang proyekto ay tinawag na Pueblo El Salvador Natures Park and Picnic Groves na mag-aangat ng turismo sa kanilang bayan, na matatagpuan sa Barangay Tibatib, Cavinti, Laguna.
Matatagpuan din ang Nakulo Falls View Deck and Picnic Ground, Tibatib Nature Trail at View Area, Cavinti Rapids, Bayakan Falls at Bat Caves
Bukod sa naturang mga talon, nasasakupan din ng bayan ng Cavinti ang bantog na tourist attractions tulad ng Bumbungan Twin Falls sa Barangay Sumucab na kamakailan ay itinanghal na 2nd runner-up sa National Search for Hiyas ng Turismo, ang White Cave sa Brgy. Paowin, Lumot Lake sa Caliraya, Porta Verde sa Brgy. Lumot, Lagos del Sol Resort, Caliraya Resort, Japanese Garden, Caliraya Hilltop Resort, Surf Campt Eco-Saddle na pawang sakop ng Brgy Kanluran Talaongan at maituturing na world class tourist destinations.
Sa tulong na rin ng ipinagkaloob na utang ng International Monetary Fund sa pamamagitan ng ayuda ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) at Office of the President, napagkalooban ng P7 milyong utang ang bayan ng Cavinti, bukod pa sa P7 milyon na inilaang pondo ng lokal na pamahalaan, nasimulan at naisaayos ang proyektong Cavinti Eco Tourism project. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended