^

Probinsiya

6 patay sa road mishap

-
CAMP AGUINALDO – Anim-katao kabilang ang isang sanggol ang nasawi habang siyam pa ang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na banggaan ng sasakyan sa Bataan kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Bataan Provincial Polic_e Office (PPO), pasado alas-6 ng gabi nang salpukin ng truck ang traysikel na ikinasawi ng apat katao kabilang ang 11-buwang sanggol na lalaki sa naganap na sakuna sa Barangay Layac, Dinalupihan, Bataan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mark de Jesus, mag-utol na Maja Mae at Aubrey Jane Novero habang ang 11-buwang sanggol ay si Francis Robert Zuce, na pawang naninirahan sa Barangay Mabuco Hermosa, Dinalupihan, Bataan; ang mag-asanagwang Norby at Joan Paule, kapwa kawani sa CSI Company sa loob ng SBMA at nakatira sa Barangay Pagalanggang

Samantalang nasa kritikal na kalagayan ang magkapatid na Chicky at KC Novero na kapwa pasahero ng traysikel; lsugatan din sina Rosalyn Lim, Melanie Dilag, Christina Romero, Victorika Mariano, Norma Kabihig, Angelou Belleza, driver ng XLT passenger jeep at Marie Joy Diesanta, na kapwa kawani ng SBMA at Edgar Neo, pasahero naman ng Victory Liner.k

Napag-alamang nasalpok ng Isuzu dump truck (CNE-664) ang traysikel (XN-3997) sa kahabaan ng Gapan-Olongapo Road sa Barangay Layac na ikinasawi ng apat-katao.

Sa isa pang insidente, dakong alas-10 ng gabi nang mag head-on-collision ang Victory Liner Bus at ang sasakyan ng Winstron (CWZ-524) na minamaneho Angelou Belleza sa kahabaan ng Barangay San Pablo sa Balanga City, Bataan na ikinasawi ng mag-asawang Paule. (Jonie Capalaran at Joy Cantos)

vuukle comment

ANGELOU BELLEZA

AUBREY JANE NOVERO

BALANGA CITY

BARANGAY LAYAC

BARANGAY MABUCO HERMOSA

BARANGAY PAGALANGGANG

BARANGAY SAN PABLO

BATAAN PROVINCIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with