^

Probinsiya

Binata todas sa sumpak

-
CAVITE Patay ang isang 21-anyos na binata nang sumpakin ng isang 15 anyos, habang naglalakad kasama ng kanyang mga kaibigan sa Silang, Cavite kamakalawa ng hapon.

Idineklarang dead-on- arrival sa Mazenod Hospital ang biktimang si Crisanto Masinas ng Brgy. Yakal habang mabilis namang tumakas ang mga suspek na nakilalang si Mandy Camposano alias "Tutoy", ng B-53 L-12 Brgy Acasia at kasama nito.

Sa imbestigasyon ni PO2 Elmer Mendoza, ala-1 ng hapon nang maganap ang pangyayari sa tapat ng Bagong Buhay Elementary School habang naglalakad ang biktima kasama ang dalawang kaibigan nang bigla na lamang bumulaga sa kanila ang mga suspek.

Agad umanong sumigaw si Camposano ng "titirahin namin kayo" at agad din nitong binunot ang home-made shotgun (sumpak) sa beywang at pinaputukan ng dalawang ulit si Masinas

Sinabi naman ni P/Supt. Mario Marasigan na posibleng kinursunada ng mga suspek ang biktima o maaaring may atraso ang biktima sa mga suspek. (Cristina Go Timbang)
Treasurer ng simbahan, kinatay
CAVITE
Tadtad ng saksak sa katawan ng matagpuan ang isang ginang sa loob ng kanyang bahay na hinihinalang nilooban ng mga ’di nakilalang salarin sa Brgy. Galicia Mendez Cavite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Maria Victoria Aure, 38, tresurera ng Mission Bearer Christian Church at residente ng B-4 L-3 Laura Ville, Brgy Galicia 3 Mendez, Cavite, na natagpuang duguan at walang buhay sa loob ng kanyang comfort room.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Macario Dimapilis Jr. dakong ala-5:45 ng hapon ng madatnan ni Melvin, asawa ng biktima ang ginang na naliligo sa sariling dugo at tadtad ng saksak sa leeg, suso at dibdib.

Nawawala ang cash, cellphone at mga alahas ng biktima sa loob ng drawers kung saan napansin din ang nakakabit pa ang susi sa drawer.

Maaaring kilala ng biktima ang mga suspek kung kaya’t pinatay ang biktima. (Cristina Go Timbang).

vuukle comment

BAGONG BUHAY ELEMENTARY SCHOOL

BIKTIMA

BRGY

BRGY ACASIA

BRGY GALICIA

CAVITE

CRISANTO MASINAS

CRISTINA GO TIMBANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with