^

Probinsiya

P86.4M marijuana nasamsam

-
CAMP OSCAR FLORENDO, La Union – Dahil sa patuloy na kampanya laban sa bawal na gamot na nagsulputan sa ibat’ ibang bahagi ng bansa ay nakasamsam na naman ang pulisya ng P86.4 milyong punong ng marijuana sa isinagawang serye ng operasyon sa hangganan ng Bakun-Alilem, Ilocos Sur kahapon.

Aabot sa 432,000 puno ng marijuana na may taas na anim na talampakan na nakatanim sa tatlong plantasyon ang pinagbubunot ng mga tauhan ni P/Chief Supt. Leopoldo Bataoil, Ilocos regional director, sa serye ng operasyon sa bayan ng Alilem, Ilocos Sur at Bakun, Benguet.

Sinunog din ng mga operatiba ng Regional Mobile Group 1, Regional Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force, mga pulis-Alilem at Regional Intelligence and Investigation Division, ang ilang puno ng marijuana sa mismong plantasyon sa mabundok na bahagi ng nasabing lugar.

Base sa talaan ng pulisya, noong Dec. 18, aabot sa 60,000 puno ng marijuana ang sinunog matapos na bunutin sa mabundok na bahagi ng Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur.

Kasunod nito, sinalakay din ng pulisya na sakay ng dalawang AFP helicopter ang liblib na dalawang ektaryang plantasyon sa Sitio Bay-o sa Barangay Sasaba, Santol, La Union noong Dec 6 na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 30,000 puno ng marijuana. (Eva Visperas at Jun Elias)

vuukle comment

ALILEM

BARANGAY SASABA

CHIEF SUPT

DRUG SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EVA VISPERAS

ILOCOS SUR

JUN ELIAS

LA UNION

LEOPOLDO BATAOIL

REGIONAL INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

REGIONAL MOBILE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with