^

Probinsiya

3 katao nilamon ng putik

-
TACLOBAN CITY – Tatlong sibilyan ang kumpirmadong nasawi habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang matabunan ng putik ang kanilang bahay sa naganap na mudslide sa Barangay Tampoong, Sogod, Southern Leyte, kahapon.

Ayon sa ulat ng Office of the Civil Defense na pinamumunuan ni Rey Gozon, ang mga biktimang natutulog nang rumagasa ang putik na tumabon sa kanilang bahay dahil sa patuloy na ulan ay nakilalang sina Mercedes Cadavos, 68; Emilio Cadavos, 52; at Lilia Cadavos, 54.

Nasagip naman ang mga biktimang malubhang nasugatan sa isinagawang search and rescue operations ng OCD at Sagod PNP ay sina Julian Cawaling at Jovans Reyes, 15 na ngayon ay ginagamot sa Sogod District Hospital.

Kasunod nito, nalunod naman ang 8-buwang gulang na sanggol na babae sa Barangay Apitong, Tacloban City na isa sa naapektuhan ng landslide.

Samantalang sumailalim naman sa state of calamity ang Catarman, Mondragon, Pambujan, San Roque, Catubig at Silvino Lobos sa Northern Samar na apektado ng tubig-baha at landslide habang iniulat naman ng provincial government na aabot sa P208, 655, 440 agrikultura at infrastructure ang nawasak kabilang na ang mga pananim, palaisdaan at mga alagang hayop na umaabot sa P15,095,000 ang nasalanta. (Miriam Desacada At Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY APITONG

BARANGAY TAMPOONG

EMILIO CADAVOS

JOVANS REYES

JULIAN CAWALING

LILIA CADAVOS

MERCEDES CADAVOS

MIRIAM DESACADA AT JOY CANTOS

NORTHERN SAMAR

OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with