‘Kawatan’ dinedo ng pulis

CAVITE Pinaniniwalaang sinadyang binaril at mapatay ang isang suspek sa kasong pagnanakaw makaraang manlaban sa umaarestong alagad ng batas sa Barangay Caridad, Cavite City, kamakalawa.

Idineklarang patay sa Dra. Olivia Salamanca Hospital si Jessie Marcaida, samantalang iniimbestigahan naman ang suspek na si PO2 Rogelio Francisco na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Cavite City.

Base sa ulat, nagtungo ang suspek at si PO1 Artemio Cinco Jr., sa bahay ni Marcaida upang isilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Agapito Lu ng Cavite Municipal Trial Court-Branch 88 sa kasong robbery.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay binaril at napatay si Marcaida na nanlaban daw kay PO2 Francisco. (Cristina Timbang)

Show comments