^

Probinsiya

Relief goods inagaw ng NPA rebs

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Inagaw ng mga rebeldeng New People’s Army ang relief goods na ipamamahagi sana sa limang bayan ng Catanduanes na sinalanta ng bagyong "Reming". Ayon kay Col. Roberto Morales, hinarang ng mga rebeldeng miyembro ng Teresa San Juan Command ang truck na may dalang mga gamot at pagkaing delata patungo sana sa limang bayang sakop ng Catanduanes. Nabatid na kalahati ng relief goods ay ipinamahagi ng mga rebelde sa kanilang kaalyadong residente sa mga barangay at ang kalahati naman ay dinala sa kanilang kampo. Kabilang sa mga bayang mabibiyayaan sana ng relief goods mula sa bansang Malaysia at Indonesia ay ang San Miguel, Bato, Baras, Gigmoto at Caramoran  sa lalawigan ng Catanduanes. (Ed Casulla)
Namimigay ng relief goods hinaras
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Hinaras ng mga rebeldeng New People’s Army ang pinagsanib na puwersa ng 2nd Infantry Battalion ng Phil. Army at 508th Provincial Police Mobile Group habang namimigay ng relief goods sa mga residente ng Barangay Purong, Bulusan, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Ayon kay Col. Roberto Morales ng Task Force Alpha, ang panghaharas ng mga rebelde ay naganap dakong alas-6:45 ng gabi kung saan nakalinya ang mga residente sa truck para kumuha ng relief goods. Nagpaputok ng baril ang mga rebelde para takutin ang mga residente kaya nagpulasan at nagsikubli ang ilang militar at pulisya na nagmamantina ng seguridad. Aabot sa 20 minuto ang panghaharas ng mga rebelde bago nagsitakas matapos na gumanti ng putok ang mga awtoridad." (Ed Casulla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY PURONG

CATANDUANES

ED CASULLA

INFANTRY BATTALION

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLE

ROBERTO MORALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with